“Kundi lang talaga kailangan, ayoko na sanang mag-abroad ulit…naranasan ko na ‘yung hirap don. Pero sabi ko, kapag totoo na kikitain ko sa PC ang kinikita ko sa Hong Kong, dito na lang ako!” – Shiela Cortez
Mula sa pagiging labandera at dating OFW sa Hong Kong, ngayon ay isa nang successful Great Life Executive si Shiela sa Personal Collection. Walang college degree, walang permanenteng trabaho ang asawa, pero sa sipag, determinasyon, at dasal, binago ng PC ang buhay ng kanyang pamilya.
Bago maging PC dealer, lubog sa kahirapan si Shiela at ang kanyang pamilya. Umaasa lamang sila sa pangingisda ng kanyang mister at sa kita niya sa paglalabada. Kung wala siyang labada at walang huling isda ang kanyang asawa ay wala rin silang maihahain sa hapag.
Kaya para makaahon sa hirap at mapaaral niya ang kanyang dalawang anak, nagdesisyon siyang magtrabaho bilang DH (domestic helper) sa Hong Kong. Nagawa naman niyang magpadala ng P10,000 pesos sa Pilipinas mula sa P20,000 niyang sahod bilang DH. Tiniis niya ang hirap ng trabaho, lungkot at pangungulila sa pamilya para sa kanilang kinabukasan, hanggang sa umuwi siya ng Pilipinas at muling dinatnan ang mahirap pa ring pamumuhay.
From OFW Dreams to PC Champion
Habang naghihintay ng panibagong pagkakataon na makapag-abroad, bumalik muna si Shiela sa paglalabandera at paglilinis ng garden. Kumikita siya ng P1,500 kada buwan, samantalang pangingisda pa rin ang hanapbuhay ng kanyang asawa. Balik sila sa isang kahig, isang tukang pamumuhay, kung saan ang pagkain sa araw-araw ay nakasalalay sa labada at huling isda.
“Hihintayin ako ng mga anak ko na maibenta ko ‘yung huling isda ng asawa ko, para makakain kami. Minsan ipinapalit ko ng bigas.”
Lagi niyang dasal na sana’y walang magkasakit sa kanila dahil wala silang ekstrang perang pampagamot. Pangarap pa rin niyang makatapos ng pag-aaral ang dalawang anak. Kaya kahit alam niya kung gaano kahirap ang buhay ng isang domestic helper at kung gaano kalungkot ang mawalay sa pamilya ay buo pa din ang kanyang loob na makabalik abroad.
Hanggang sa naimbitahan siyang maging PC dealer ng nanay ng kaklase ng bunso niyang anak. Wala talaga siyang balak magpa-member, nahiya lang siyang tumanggi kaya sumama siya sa orientation sa Santiago branch. Noon ay wala talaga sa puso niya ang pagnenegosyo. Hindi niya ito hilig at nandoon din ang pag-aalinlangan na malugi at mabaon sa utang.
Para lang mapagbigyan ang nag-recruit sa kanya, nagbenta siya ng produkto sa halagang P1,500, na katumbas sa kinikita niya sa paglalaba. Naibenta niya ito at nakapag-remit nang buo nang sumunod na buwan. Nahikayat din siya ng kanyang upline na dagdagan ang kanyang purchase order (PO), pero takot siya na hindi makabayad kapag hindi nakasingil. Takot rin siyang mag-recruit at mag-handle ng mga tao kaya nag-focus lang talaga siya sa selling.
“Nahihiya ako. Para lang talaga mapagbigyan siya kaya ako nagpa-member.
Wala sa isip ko na maging manager. Magtinda-tinda lang talaga.”
Halos isang taon siyang ganito; bili, bayad, bili, bayad ulit. Kaya kahit tuloy-tuloy ay limitado pa rin ang kanyang kinikita. Hanggang sa nagbukas ang Solano Branch na mas malapit sa kanilang lugar noong 2013. At dahil sa pagtitiyaga ng kanyang upline, na-encourage siya nitong magpursige na ma-promote bilang Great Life Manager para mas lumaki ang kanyang kita.

Turning Point: Ang ₱1,500 Na Naging Daan sa Pag-asa
Dito nagsimula ang kanyang tunay na commitment sa PC. Binuksan niya ang isipan sa posibilidad nang may masilip siyang pag-asa sa PC.
“Hinamon ko talaga sarili ko. Kung kikitain ko dito ‘yung kita ko bilang DH sa Hong Kong, hindi na ko aalis ng bansa.”
Nagsimula siyang pagbutihin ang pagre-recruit nang makita niyang lumalago agad ang negosyo ng mga downline ng kanyang first recruit. Napatunayan niyang posible talagang kumita nang malaki kung seseryosohin niya ang PC. Kaya pinagtrabahuhan niya ito nang husto para maging manager.
“Kahit gabi, nagre-recruit ako. At dasal ko lagi, sana magbayad sila.”
Kapag may dealer siya na hindi makakapag-remit, tinutulungan niya itong makasingil. Dahil sa pagtitiyaga niya at sa gabay ng kanyang upline at mga staff sa branch ay na-promote siya bilang Franchise Associate Manager (FAM) or Great Life Manager.
Dahil nahigitan na niya noon ang kinikita niya sa abroad, hindi na siya umalis at ipinagpatuloy na ang kanyang PC negosyo. Hindi na siya bumitaw sa momentum, nagsunud-sunod na ang kanyang promotions hanggang sa siya ay naging Great Life Executive (GLE).
“Hindi ko akalain na ‘yung dating DH sa Hong Kong, labandera, at hardinera sa Pinas ay magiging Great Life Executive sa PC.”
PC na ang bumuhay sa kanilang pamilya at nagtawid patungo sa mas magandang buhay.

Tagumpay Para sa Pamilya
Dahil sa PC, natutugunan ang pangangailangan ng pamilya ni Shiela. Hindi na sila kakaba-kaba kung may kakainin ba sila kinabukasan or paano kung may magkasakit sa kanila. Gaya na lang noong panahon ng pandemic na tumigil ang maraming negosyo, pero hindi sila nawalan ng kita.
Napagtapos niya ng college ang kanyang panganay, na working na ngayon sa munisipyo. Ang bunso niya ay nasa Grade 12, all school needs ay kanilang nabibigay. Napaayos na rin nila ang kanilang bahay at nakapagpundar ng mga kagamitan. Nakabili na rin ng motor si Shiela na nagagamit niya sa kanyang PC Business.
Malaki talaga ang pasasalamat ni Shiela sa PC kaya hindi niya naisipang pasukin pa ang ibang direct selling kahit maraming nag-aalok sa kanya. Nagtutulungan din ang kanilang pamilya na alagaan ang kanilang PC negosyo dahil dito na nakaasa ang kanilang pamumuhay.
“Hindi na ako sumubok pa ng ibang direct selling. PC lang po talaga, sapat na.”

Labandera Noon, Inspirasyon na Ngayon
“Kung babalikan ko ang hirap ng buhay namin nuon, hindi ko alam kung paano ang kinabukasan namin. Buti na lang talaga dumating si PC, napakagandang oportunidad. Nabago ang buhay namin kahit hindi ako graduate.”
Sa halos 11 taon bilang ka-PC, naging isa siya sa mga haligi ng Solano Branch dahil sa kanyang mga naabot. Kung noon ay halos mawalan na siya ng pag-asang makaahon pa sila sa hirap, ngayon ay isa nang pag-asa si Shiela sa kanyang mga dealer. Palagi niyang sinasabi sa mga ito na tuluy-tuloy lang silang magpursige. I-mindset nila ‘yung goal nila katulad ng nangyari sa buhay niya. Itinatak talaga niya sa kanyang isip na hindi siya habampanahong labendera at hindi habampanahong maghihintay ng huling isda ng kanyang asawa para lang makakain sila. Na isang araw giginhawa ang buhay nila. Nangyayari na ito sa kasalukuyan. Dahil noong may matisod siyang magandang oportunidad sa pintuan ng PC, hindi na niya ito iniwan pa.

Baka Ikaw na ang Susunod
Kung nasa pareho kang sitwasyon o naiisip mo ring mag-abroad, baka ito na ang paraan para hindi ka mapalayo sa iyong pamilya. Tulad ni Shiela, baka sa Personal Collection mo rin matagpuan ang Great Life. Mag-sign up na ngayon!