In a world where hustle culture is the new norm, trending ang mga kabataang hindi natatakot mag-explore ng iba’t ibang opportunities at side hustle, tulad ni July Anne Miro. Sa edad na 21, hindi lang siya basta estudyante, isa rin siyang influencer, dancer, at entrepreneur. Dealer din siya ng Personal Collection at kabilang sa mga top sellers sa Tagbilaran, Bohol. At a young age, malinaw na ang kanyang goal: to thrive in life at help her family experience a great life.
From Humble Beginnings to Big Dreams
Lumaki si July sa simpleng pamumuhay sa probinsya—malayung-malayo sa maginhawang buhay na tinatamasa nila ngayon. Noon, wala silang sariling bahay at madalas ay palipat-lipat ng tinitirhan. Hindi rin sumasapat ang kita ng kanyang ama na isang call center agent at ng kanyang ina na saleslady sa mall, kaya naman madalas nagtatalo ang kanilang magulang lalo na pagdating sa pera. Ngunit nagbago ang lahat nang hikayatin ng kanyang papa ang mama niyang si Leonida na maging dealer sa Personal Collection. Kwento ni July,
“Si papa ang mas gustong mag-PC, hindi si mama”. Sabi ng mama ko, ay ‘wag,
hindi ko kaya ‘yan. Pero napapayag din s’ya ni papa. Naging successful ang kanyang PC business sa tulong na rin ni papa.”
Hindi nila lubos akalain na malaki ang mababago ng PC sa takbo ng kanilang pamumuhay. Bukod sa nagkaroon sila ng matatag na hanapbuhay, naitaguyod rin nila ang pag-aaral ng magkakapatid, nakapagpatayo ng sariling bahay, at unti-unting natikman ang ginhawa sa buhay. Kaya ganuon na lang kalaki ang pasasalamat at pagpapahalaga nila sa kanilang PC business.

Gen Z with a Purpose
Even before turning 18, July already knew how to hustle. Bata palang kasi ay tumutulong na silang magkakapatid sa pagpapalago ng kanilang PC business. Nakita ni July na talagang may magandang future sa PC. Kaya pagdating niya sa legal age ay agad na siyang nag-PC dealer para maging katuwang ng mga magulang nila sa pagbuo ng mas matiwasay na kinabukasan.
Proud si July na isa siyang PC dealer dahil para sa kanya, ito ang daan para maabot niya at ng kanilang pamilya ang kanilang pangarap. Kaya kahit may mga basher na nagtatanong kung bakit nagdi-direct selling pa ang isang uprising influencer na gaya niya, ay hindi siya nadi-discourage. Para kay July, marangal na trabaho ang pagiging direct seller at maraming pamilyang Pilipino ang natutulungan ng PC na makaahon at gumanda ang buhay. Aniya,
“Hindi ako nahihiya na nasa-PC kami, kasi kung wala ang Personal Collection,
pa’no na kami?”

Balancing Business and Studies Like a Pro
What sets July apart from other Gen Zs is her grind—she’s growing her business impressively while excelling in school consistently. Kumukuha siya ng kursong Accounting and Business Management dahil gusto niyang maging mahusay sa pagnenegosyo. Alam niyang hindi sapat ang sipag at diskarte lang, kailangan mayroon ding sapat na kaalaman at kasanayan.
Bagamat hindi madali na pagsabayin ang pag-aaral at pagnenegosyo, easy lang ito kay July. Masaya siya na sa pamamagitan ng PC ay nakakatulong siya sa kanyang pamilya at sa kapwa niya estudyante na kapos sa buhay. Tunay niyang naisasabuhay ang malasakit culture sa PC.

Social Media: July’s Secret Weapon
As a certified digital native na may 77k followers sa TikTok at 5k sa Facebook, alam ni July kung paano i-maximize ang social media para i-promote ang kanyang products at mag-recruit ng bagong dealers. Nagpo-post siya ng mga content gaya ng GRWM (get ready with me) videos, featuring PC products like Glutalight facial wash and lotions.
“Maraming nag-cha-chat sa akin kung magkano ‘yung mga ginamit ko for my glowing skin,” she shares. “Mas mura ‘to kapag nag-dealer kayo sa’kin.”
She’s not just selling products—she’s building a community. Sa mga video post niya, naipapakita niya kung gaano siya ka-confident sa mga produkto ng PC. Nagbabahagi rin siya ng kanyang mga travel at adventure kasama ang pamilya hindi para mag-flex, kundi para mag-inspire. Gusto niyang patunayan sa lahat na posibleng makamit ang magagandang bagay kapag may sipag, tiyaga, at oportunidad, gaya ng PC. Kaya naman marami ang nai-influence niyang maging dealer rin.
Gen Z Approach: Chill Pero Goal-Oriented
One thing na nakakabilib kay July ay ang kanyang personal approach sa kanyang PC business. Gaya ng kanyang ina, maalaga at maasikaso siya sa kanyang mga dealers. Sincere ang pinapakita niyang malasakit sa mga ito. Hindi rin siya basta-basta nagre-recruit. She likes to build connection with people around her first, kaya sinusubukan muna niyang makipag-bond para makuha ang tiwala ng mga tao bago niya ito hikayating mag-PC.
“Kakausapin ko muna sila. I want them to be comfortable with me.
Relationships come first, and business will follow naturally.”
Iyan ang dahilan kung bakit loyal sa kanya ang mga dealer niya. Hindi rin siya namimili ng edad. Bata man o matanda, basta tingin niya ay may potential silang maging dealer, ay nire-recruit niya. Kaya hindi lang ang kanyang mga kaklase ang nahihikayat niyang mag-join, kundi pati kanilang mga magulang at teacher sa college. Consistent din ang communication niya sa kanyang downlines. May GC (group chat) sila para sa updates, promos, at reminders. With her humor and friendly approach, mas masaya at nakakagana ang business.

A Bright and Thriving Future for July
Si July Anne Miro ay patunay na ang mga Gen Z ay kayang magtagumpay sa anumang industriya. Habang karamihan ng ka-age niya ay nag-e-explore pa ng kanilang career path,
si July ay isa nang business partner ng isang successful direct selling sa bansa, ang PC.
Ang success niya ay bunga ng kanyang natural leadership skills, ability to connect with others, at openness to learnings and challenges. Sa kabila ng pagiging young and thriving, hindi siya nawawalan ng focus sa kanyang goals. At sa kanyang never-say-die attitude, walang duda na magpapatuloy siya sa pag-shine, hindi lang sa kanyang negosyo bilang PC dealer, kundi bilang isang successful boss Gen Z.
“Kung gusto mo talaga ang isang bagay, kakayanin mo. Lalo na’t para sa pamilya”.
Sa tulong ng PC at social media, nakabuo siya ng isang thriving business habang ipinapakita ang pagiging adaptable at innovative ng kanyang generation. Kaya kung ikaw ay isang Gen Z na gaya ni July, welcome na welcome ka sa PC. Register na!