Jayson Ingaran Ramos: Kwento ng Tagumpay ng Isang Mister na PC Dealer

Sa bayan ng Nueva Vizcaya, matatagpuan ang kwento ng tagumpay at inspirasyon ni Jayson Ramos, 41 years old at isang matagumpay na Personal Collection (PC) dealer. Sa loob ng isang dekada, pinatunayan niya na sipag, tiyaga, at determinasyon ang susi sa pag-abot ng pangarap, kahit pa sa industriyang karaniwang pinangungunahan ng mga kababaihan. Ito ang patibay na sa PC, walang pinipiling kasarian ang tagumpay, ito ay business for all genders.

Pagkilala kay Jayson

Si Jayson ay bunso sa tatlong magkakapatid at lumaki sa pamilyang salat sa kasaganaan. Ang kanyang ina ay nagtitinda ng gulay at prutas, pero sa kasawiang palad ay pumanaw ito noong 2023 dahil sa breast cancer. Samantala, ang kanyang ama ay dating nagtatrabaho sa isang botika, ngunit maaga namang nawalan ng trabaho dahil sa karamdaman. Gayunpaman, naituro pa rin ng kanyang ama sa kanilang magkapatid ang kahalagahan ng pagsusumikap. 

Bata pa lamang si Jayson ay batid na niya ang hirap ng buhay. May mga panahon na kinailangan pa nilang manghingi ng asin sa kapitbahay para lang may maiulam. Mula noon, pinangako ni Jayson na iahon ang kanyang pamilya sa ganitong pamumuhay, kaya nagtiyaga siyang pumasok sa eskwela kahit na kapos sa baon at kadalasang walang laman ang tiyan. Sa kabila ng mga pagsubok, hindi niya binitawan ang pangarap na maging Mechanical Engineer, hanggang sa napilitan siyang tumigil sa kolehiyo nang nabuntis niya ang kanyang nobya.  

Pagsisimula ng Pamilya

Si Jayson ay ikinasal kay Zelaida Ramos, na ngayon ay 40 taong gulang na. Nagsimula ang kanilang kwento bilang magkaibigan, hanggang sa humantong ito sa pag-iibigan, at kalaunan ay sa pagiging mag-asawa. Biniyayaan sila ng dalawang anak: sina Prince Daniel Ramos (19 years old) at Precious Gizelle Ramos (13 years old).

Hindi naging madali kay Jayson ang makahanap ng magandang trabaho dahil wala siyang college diploma. Nasubukan niyang magtrabaho sa talyer, maging boy sa isang grocery, at mamasada ng tricycle para lang maitaguyod ang kanyang mag-iina. Habang si Zelaida ay naglalako ng turon at lumpia para madagdagan ang kita ng pamilya. Umabot din sila sa puntong kailangan pang manghingi ng bagoong sa kapitbahay para mayroon silang maiulam—isang sitwasyon na ayaw sanang iparanas ni Jayson sa kanyang mga anak. Naranasan din niyang halos mamalimos ng tulong para lang may maipagamot ang anak na nagkasakit. “Ang sakit na walang maitulong sa ‘kin ang ibang tao kahit isandaang piso at makakarinig ka pa ng panlalait,” malungkot na paglalahad ni Jayson. Sa gitna ng mga ito, nanatiling matatag ang kanilang pagmamahalan at pag-asang balang araw ay makakabangon din sila sa kahirapan.

Pagpasok sa Personal Collection

Taong 2014 nang ipakilala sa kanila ang Personal Collection. Sa simula ay may alinlangan si Jayson sa pagsali. Nangangamba siyang malugi at lalo lang mabaon sa utang dahil wala naman silang alam sa pagnenegosyo. Ngunit dahil sa paniniwala at lakas ng loob ni Zelaida, napapayag siya nito na magpa-member silang mag-asawa bilang PC dealers.

Nagsimula sila sa simpleng pagbebenta ng mga produkto, hanggang sa natutunan nila ang halaga ng pagre-recruit ng mga miyembro upang mapalago ito. “Naisip ko, umpisa pa lang ito. Kaya pa namin itong palaguin,” ani Jayson. Lalo silang na-inspire sa mga kwento ng mga upline na umasenso ang buhay sa tulong ng PC kaya minabuti nilang magpatuloy sa pagrecruit, pagbenta, at pagsagawa ng mga opportunity meetings sa iba’t-ibang lugar.

Mga Hamon sa Tagumpay

Kahit maayos ay hindi naging madali ang kanilang paglalakbay sa PC. Naglaan sila ng mahabang oras at maraming sakripisyo para mag-recruit, mag-deliver ng mga produkto, at magbigay ng suporta sa kanilang grupo. Kahit bundok ay inaakyat nila sakay ng habal-habal, hindi alintana ang pagod at panganib. “Minsan, inaabutan kami ng ulan pababa ng bundok at wala na kaming masakyang jeep pauwi kapag ginagabi kami. Pero tuloy lang kami,” kwento ni Jayson. Tinitiyaga rin nilang ihatid-sundo papuntang branch ang kanilang mga recruit gamit ang kanilang tricycle at i-deliver ang mga order nilang produkto sa bahay ng mga ito para lang matulungan silang umangat bilang mga dealer. Sa bawat hamon, mas tumibay lamang ang kanilang determinasyon at tiwalang makakamit din nila ang ginhawa at tagumpay. 

Jayson Bilang Isang Lalaki sa Direct Selling Industry

Bagamat ang Personal Collection ay madalas ina-associate sa mga kababaihan, pinatunayan ni Jayson na ang tagumpay sa negosyo ay walang kinikilalang kasarian. Pinilit niyang labanan ang pagiging mahiyain at ang panghuhusga ng ibang tao para lang maitaguyod ang kanilang pamumuhay. “Minsan, kinakantiyawan ako ng mga kapwa ko tricycle driver. Pero para sa pamilya ko, kaya kong gawin ang lahat,” ani Jayson. Sa halip na panghinaan ng loob, ginawa niya itong motibasyon upang mas galingan pa ang kanyang ginagawa.

Naniniwala si Jayson na ang pagiging PC Dealer ay hindi lamang tungkol sa pagbebenta ng mga produkto. Isa itong oportunidad upang makatulong sa ibang tao, ma-inspire sila, at mapabuti ang kanilang pamumuhay. Sa tuwing may bagong miyembro sa kanyang grupo, hindi lamang produkto ang kanyang ibinabahagi kundi pati na rin ang kwento ng kanyang buhay—isang kwento ng pag-asa, pagsusumikap, at tagumpay.

Bunga ng Pagsisikap 

Ngayong 2024, matapos ang sampung taon bilang PC Dealer, si Jayson ay isa nang inspirasyon sa kanilang komunidad. Ang dating tricycle driver ay isa nang PC Great Life Executive na may matatag na hanapbuhay. Nakapagpatayo na sila ng sariling bahay sa nabiling lupa, isang pangarap na matagal niyang inasam para sa pamilya. Nakabili na rin sila ng brand new car; nakakapag-travel kasama ang pamilya, at nakakakain sa restaurant na dati’y tinatanaw lang nila. Hindi na nila kailangang mag-alala sa gastusin kapag may nagkakasakit sa pamilya nila dahil may ipon na silang mahuhugot. Higit sa lahat, nakakapag-aral nang maayos ang kanilang mga anak at may katiyakan na ang kanilang kinabukasan.  

Patuloy ang Pangarap

Sa kasalukuyan, patuloy silang mag-asawa sa pagkamit ng mas mataas na pangarap, hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi para rin sa kanilang komunidad. Nais nilang patuloy na  maging inspirasyon sa iba, lalo na sa mga nagsisimulang pamilya na nangangarap ng mas magandang buhay at nagnanais mamuhunan sa negosyong abot-kamay.

“Walang imposible kung ikaw ay magsusumikap at maniniwala sa Diyos. Ang Personal Collection ang naging instrumento upang mabago ang aming buhay. Sana’y maging inspirasyon din ito sa iba na naghahanap ng oportunidad na magtagumpay,” pagtatapos ni Jayson.

Tunay ngang ang PC ay hindi lang basta good investment pero isang pagkakataon na bukas para sa lahat. Babae man o lalake ay may pantay na oportunidad na mangarap ng magandang buhay at magtagumpay kung ito ay ating pagpupunyagian. 

Sa tulong ng PC, umangat ang buhay ni Jayson. Gusto mo rin ba ito para sa pamilya mo? Register as a PC dealer na! 

SHARE ON:

What are you searching for?

Become a PC Dealer. You can sign up now or try our products first

Get up to 25% discount on all our products!

Find out how you can get this and more!
Join our e-newsletter now!