Breaking Barriers: From Shy Gen-Z to Great Life Executive

Carolina Canlas

Carolina “Carol” Canlas, 24 years old, is a living testament of courage and determination,  despite being an introverted Gen Z. Kahit siya ay kimi at mahiyain, nagawa pa rin niyang mag-succeed bilang PC dealer para sa mas magandang future ng kanyang pamilya. Her story is full of challenges, hope, and inspiration, especially for the younger generation.

Mula pagkabata, mababa na ang self-esteem ni Carol dahil isinilang siyang may cleft lift at cleft palate, at dala na rin ng kanilang kahirapan. Pangatlo siya sa limang magkakapatid at kasalukuyang naninirahan sa Valenzuela. Dating labandera ang kanilang inang si Paulina at pedicab driver naman ang ama nilang si Cornelio. Dalawang beses lang sila kung kumain sa isang araw—tanghalian at hapunan. Madalas ay sabaw lang ng mami mula sa kapitbahay ang pinang-uulan nila kaya masasabing mas marami ang kulang sa buhay nila kesa sa meron.  

Hope Amidst Challenges

Pero sa kabila ng kahirapan, patuloy silang lumalaban at nangangarap ng magandang buhay. Pumapasok silang magkakapatid sa school kahit walang laman ang tiyan para lang magkaroon ng laman ang isipan. Maging ang pambu-bully sa kanya ng kanyang mga kaklase ay pinili niya ring tiisin. Kahit kasi dumaan na sa constructive surgery ang kanyang labi nuong siya’y bata ay hindi pa rin siya nakaligtas sa panunukso ng iba. Kaya naging kimi at mailap siya sa mga tao. 

Lalo pa silang nabaon sa kahirapan nang magkasakit ang kanilang ama. Hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral si Carol nang matapos niya ang junior high school. Natigil rin sa pag-aaral ang iba pa niyang mga kapatid. Sa murang edad ay nagtrabaho na lamang sa pabrika si Carol para makatulong sa pamilya. Gayunpaman, nanatili sa kanyang puso ang pagnanais na makapagtapos ng kursong Information Technology.  

Pangarap din ni Carol na magkaroon ng sariling bahay para hindi na sila palipat-lipat ng inuupahan. Naranasan kasi nilang palayasin dahil walang pambayad ng renta.

“Nung nagkasakit ang papa ko, pinapalayas kami sa bahay kasi wala kaming pambayad sa renta. Tapos pinagmumura kami ng may-ari ng bahay dahil hindi po kami makabayad. Sobrang sakit na minumura ka.”

An Introvert Gen Z’s Leap of Faith in PC

Dahil dito, sinubukan niyang pumasok na dealer sa Personal Collection Valenzuela Branch, isang direct selling business, nuong January 2020 sa edad na 19. Sa una ay nagdadalawang-isip pa si Carol dahil sa pagiging mahiyain, pero dahil ang nanay ng boyfriend niya ang kanyang recruiter, ay nahiya na siyang tumanggi. 

Nagsimulang ma-appreciate ni Carol ang PC nang aralin niya ito. Nag-research siya online ng mga kailangan niyang malaman tungkol sa PC at direct selling. As an Introvert Gen Z, naengganyo siya sa online component ng PC business.

“‘Yung limang recruits ko, mga dati kong katrabaho sa pabrika ng fish crackers. Yung iba po, sa FB na lahat. Na-recruit ko sila kasi ‘yun daw ‘yung ginagamit nilang products, PC…”  

Sa pagsisipag at pagtitiyaga niya ay mabilis siyang na-promote bilang Great Life Manager. Dito nakasilip ng pag-asang umasenso sa buhay si Carol. Para sa kanya, ang PC ay hindi lang negosyo o sideline, isa itong good investment para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. 

The Burden of Poverty

Dumating ang COVID-19 Pandemic at hinarap ng kanilang pamilya ang pinakamalaking pagsubok sa buhay nila. Naospital ang kanyang ama dahil sa lumalalang diabetes nito. Tinanggihan ito sa dalawang ospital, kesyo puno raw sila ng COVID patients. Kaya nang tinanggap siya sa pangatlong ospital, sa emergency room palang ay pumanaw na ito. Labis ang pagdadalamhati ng kanilang pamilya at awa sa sarili. Lalong mas naramdaman ni Carol kung gaano kahirap ang maging mahirap. Simula nito, ipinangako niya sa sarili na mas seseryosohin na niya ang pagpi-PC sa pag-asang mabago ang buhay nila.

  Pinursige ko po na ma-promote sa PC.” 

Rising From Adversities 

Nagtulung-tulong sina Carol at ang kanyang mga kapatid na itaguyod ang kanilang pamilya. Tumigil na kasi sa paglalabandera ang kanilang ina dahil nagiging sakitin na rin ito dala ng katandaan. Dalawa sa kanyang mga kapatid ang katuwang niya sa paghahapbuhay. Sinisikap nilang paaralin ang bunso nilang kapatid na isang special child. Pinakamalaki ang ambag ni Carol sa kanila dahil sa kinikita niya sa PC. Sagot niya rin ang renta sa bahay.   

Sa PC, hindi naging hadlang kay Carol ang pagiging introvert dahil nakakapaghanapbuhay siya nang hindi kailangang humarap sa maraming tao. Nagagawa kasi niyang mag-recruit ng dealers sa pamamagitan ng Facebook. 

“Natutunan ko sa PC na magkaroon ng lakas ng loob. Kaso mahiyain pa rin ako. Pero sa fb messenger malakas ang loob ko. Magaling akong mag-chat kaya napapa-member ko sila.”

Ang bawat recruit ay nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob at pag-asa na makapagbigay ng mas magandang buhay para sa kanyang pamilya. 

Introvert Gen Z Perspective in the World of Direct Selling

Gamit na gamit ni Carol ang social media sa pagpapalago ng kanyang PC business. Dito siya nagpo-post ng mga PC product at recruitment campaigns. Ang free membership at giveaways ang panghalina niya para maka-recruit. Pagtitiyagaan niyang i-chat ang kanyang mga prospect recruit hanggang sa sila’y mag-member. Matiyaga rin siyang nag-cha-chat sa kanyang mga downline para sa updates at promos, at patuloy silang i-motivate. 

Reaching for Dreams

Hindi nagtagal ay narating din ni Carol ang pagiging Great Life Executive noong December 2021. Ang bawat tagumpay niya sa PC ay nagdadala ng saya at pag-asa sa kanilang tahanan. Hindi na sila masyadong kinakapos sa pera gaya dati. Hindi na rin sila nangangamba kung may kakainin ba sila sa araw-araw, kung mapalayas ng bahay dahil wala silang pambayad ng renta, o maputulan ng tubig at kuryente. Dahil rin sa PC ay nakaipon sila ng mga gamit sa bahay. Para sa isang Gen Z na tulad ni Carol na natigil sa pag-aaral, napakagandang oportunidad ng PC. Tulad ni Carol. anuman ang iyong edad o educational attainment, may unlimited income potential na naghihintay sa ’yo sa PC.  

Finding Confidence and Self-Worth Through PC

Ang PC ay hindi lang nagbibigay ng financial security kundi nagbibigay din ng bagong kumpiyansa kay Carol. Natutunan niyang magtiwala sa kanyang sarili at nahanap niya ang kanyang self-worth. Sinisikap niya na isang araw ay mahahanap din niya ang kumpyansang kailangan niya para makalabas sa kanyang comfort zone, ang social media, para mas lalo pa niyang mapalaki ang kanyang PC negosyo. 

Ang maipapayo niya sa mga kapwa Gen Z na nais sumali sa PC ay sipag at tiyaga lang ang kailangan. 

“Hindi ibig sabihin na introvert ka, wala nang magandang opportunity para sa’yo. Marami. Nand’yan ang PC. Ito ay hindi lang trabaho; kundi isang lifeline na nagbukas ng magandang kinabukasan para sa aming pamilya.”Saludo kay Carol bilang isang Gen Z na sinisikap mabigyan ng Great Life ang kanyang pamilya! Kaya kung gusto mong magnegosyo pero nagdadalawang-isip ka, mag-PC ka na! May free trainings para suportado ka every step of the way. Register na

SHARE ON:

What are you searching for?

Become a PC Dealer. You can sign up now or try our products first

Get up to 25% discount on all our products!

Find out how you can get this and more!
Join our e-newsletter now!