Meet Justine Naldoza, a 21-year-old Gen Z from GLE Wao Branch, Lanao Del Sur, whose life took a major turn when he became a young father at the age of 18.
Pinatunayan niya na kahit sa murang edad at ilang beses ka mang nadapa sa buhay ay pwede ka pa ring magtagumpay. Sa pamamagitan ng dedication, consistency, positive mindset, at pagmamahal sa pamilya, nagbago ang buhay ng kaniyang pamilya.
Mula sa pagiging college dropout at young dad, siya ay naging isang successful Great Life Executive of Personal Collection.

Young Dad, Big Responsibility
College student nuon si Justine. Pangarap sana niyang makatapos ng pag-aaral para maihon sa hirap ang kanilang pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabuntis niya ang kanyang girlfriend. Para siyang sinukluban ng langit at lupa sa laki ng pagsubok na haharapin niya bilang batang ama. Ganunpaman, pinanindigan niya ang kanyang responsibilidad.
“Nuong time na yun, na-realize ko na kailangan ko talaga kumilos. Sino ang magpapaaral sa misis ko? Sino ang magpapakain sa baby ko?”
Napilitang tumigil sa pag-aaral si Justine para magtrabaho upang makapagpatuloy sa pag-aaral ang kanyang asawa at upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Sa panahong nangangapa siya sa dilim, dito niya nakita ang magandang opportunity sa PC na nagbigay sa kanya ng liwanag sa buhay.

Family Roots, Personal Start
Justine’s PC journey actually started with his mother. Dating PC dealer ang kanyang ina at ang upline nito ang nag-recruit kay Justine para maging dealer din.
Sa simula ay nagdalawang isip si Justine.
“Nuong una, ayoko talaga. Basta lalake, wala talaga sa mindset namin ‘yan. Naiisip ko kung may future ba ako d’yan? Pero pinili ko ang PC kasi nag-e-enjoy ako dito.”
Nahirapang maghanap ng trabaho si Justine na karaniwang pinagdaraanan ng mga walang college degree. Kaya sinubukan niyang pasukin ang direct selling, ang Personal Collection kahit wala ito nuon sa puso niya.
Realization Through Experience
Nuong nag-start siyang mag-invite, maka-recruit ng dealers, at makabenta ng products, duon niya nalaman na okay naman pala. Na-appreciate niya na essential needs ang PC products, pang araw-araw na gamit. Hindi ka talaga mahihirapang magkabenta. Dahil dito, nagtuluy-tuloy na siya sa pagiging PC dealer.
“Yung tipong, kakauwi mo palang from branch, gusto mo na ulit magbenta, mag-recruit, at makipag-usap sa ibang tao kinabukasan. I took it as a blessing at trinabaho ko ‘yon.”
Hindi na niya pinansin ang sinasabi ng ibang tao, basta ang importante ay mabigay niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Kung may pangarap man siya para sa kanyang sarili, isinantabi na muna niya ito. Family first!

Facing Discrimination and Staying Focused
Being a young male dealer wasn’t easy. Maraming nagsasabi, “Pambabae lang ‘yan. Wala kang mapapala d’yan.”
But Justine stayed focused for his family.
“Kung ano ang nakikita ko na vision sa PC, hindi nila nakikita. So gift ‘yon ni God sa’kin. At dinasal ko na sana makita rin nila na may nakalaan na magandang future sa’yo ‘pag nag-PC ka.”
Kaya naman, 3:00 AM ay gising na si Justine, maagang umaalis ng bahay para mag-recruit. Siya ang pinakaunang dumarating sa branch at pinakahuling umuuwi. Kahit late na siyang nakakauwi at pagod sa maghanapon ay wala siyang reklamo. Excited siyang mag-duty ulit kinabukasan.
“Naranasan ko mag-recruit mag-isa, umagang-umaga, may hamog pa sa kilay ko. Mahirap pero ginagawa ko dahil gusto kong ma-achieve ang vision ko. Ang magka-Great Life ang pamilya namin.”
Kahit naman busy sa paghahanapbuhay si Justine ay hindi pa rin siya nawawalan ng oras para sa pamilya. Ginagamit niya ang libreng oras sa pagtulong sa kanyang misis sa mga gawaing bahay. At ang araw ng linggo ay sadyang nakalaan na bilang family day.
“Minsan sugat-sugat na yung kamay ko, kasi palaging naglalaba. Hindi na kaya ng misis kong maglaba kasi nag-aaral at nag-alaga ng baby namin. Tiniis ko lahat ‘yon. Kundi kami magtutulungang mag-asawa, ‘di ko magagawa ‘yung vision ko sa life.”
Strategies That Made Him Succeed
Justine’s strategy is practical and consistent. Gamit ang motor niya, nagpupunta siya sa iba’t-ibang lugar. Palagi siyang may dalang barya, PC products, at registration form. Ang mga sari-sari store owner ang una niyang target.
“‘Yung coins ko ibibili ko ng candy. Tapos makikipagkwentuhan ako sa tindera. Ii-introduce ang PC products. Automatic, fill up na lang. Babalikan ko kung hindi nag-register sa branch. Paunti-unti, mako-convince sila.”
Being a Gen Z, he knows na effective ang product demonstration. Kaya kailangan may dala kang product. Basic need. Ipinapasubok muna niya ang products sa prospect recruits niya. Bebentahan muna niya ang mga ito para kapag nasubukan nilang maganda ang produkto, automatic, mapapaisip na rin silang mag-PC. Hindi na siya mahihirapang i-recruit ang mga ito.
“Kapag nakikita nila at nagustuhan ang produkto, pasok na ang introduction sa PC. Makikita nila paano nagwo-work, paano ini-enjoy, paano kikita. Dun pa lang, makukuha mo na ‘yung loob nila.”
Para rin sa kanya, dapat consistent ka. Hindi ‘ka dapat ma-discourgare kung mahina pa ang kita sa simula. Tuluy-tuloy lang sa iyong efforts na mapalaki ang grupo at siguradong tuluy-tuloy din ang paglaki ng iyong kita.
Every step he took, ay ginagawa niya para sa kanyang family. ‘Yun ang nagsisilbing inspiration sa kanya para bumangon sa umaga at walang pagod na harapin ang mga challenges sa bawat araw.
“Ginagawa ko lahat ng ‘to para sa baby at misis ko. Nuong nalaman ko na buntis ang girlfriend ko, parang sinukluban ako ng langit at lupa. Pero nagpapasalamat ako, duon ako binago. Dun ko sinimulan ang pangarap ko, dun nag-start ang future ko sa PC.
Building a Community
Si Justine, hindi lang nagbebenta, nagbu-build rin siya ng community ng PC dealers na tulad niyang naghahangad ng Great para sa pamilya. Regular niyang kinukumusta at kino-consult ang kanyang dealers. Hindi lang siya nagnenegosyo, nakikipagkapwa-tao siya.
“Ma’am kumusta ka, kumusta ang PC natin? Nay improvement ba? May mga challenges po ba? Ano pong maitutulong ko? Upuan po natin.”
Malaking tulong sa kanya ang heart-to-heart para maka-build ng family sa PC at masiguro ang tagumpay ng bawat isa sa kanilang business. Mayroon siyang isang salita, respeto sa oras at malasakit sa kanyang mga downline. Kaya naman kahit mas bata siya sa mga ito ay may respeto sila sa kanila.

Dreams and Advice
Dreams ni Justine? Patuloy na mag-grow ang kanyang PC business para ma-secure ang future ng kanyang anak. Goal niyang makapagpatayo ng sariling bahay at makabili ng sasakyan na malapit nang mangyari. Dahil napatapos na niya ng college ang kanyang asawa na siya niyang inuna. Gusto rin niyang maipasyal ang kanyang pamilya sa ibang bansa at ma-enjoy nila nang magkakasama ang magagandang lugar.
Advice niya sa kapwa niya Gen Z:
“Simulan mo na ang gusto mong gawin. Isapuso mo lang kung ano ang kaya mo. Meron tayong Diyos na magbibigay ng blessing katulad ng PC business. Work hard. Don’t give up.”
Naniniwala siya na wala talagang imposible sa taong may pangarap.
A Life Transformed
Justine Naldoza proves that age is not a barrier to success. His story inspires young people na gawin ang lahat para sa future, sa dreams mo, at sa iyong family. Personal Collection gave him not just a career, but a life full of purpose and community, a journey he treasures and continues to grow.
