Ulirang Ina at PC: Partner sa Tagumpay!

“Walang nanay na sumusuko para sa kanyang mga anak. Lahat posible, basta gusto mo. Kahit ‘di ka nakapag-aral, basta lakasan mo ‘yung loob mo, buo ang abilidad mo, at tamang diskarte, kakayanin mo.”

Mula sa Simpleng Buhay, Patungo sa Tagumpay

Sa murang edad, natutunan na ni Maribeth Nacu ang kahalagahan ng sipag at tiyaga. 

Siya ay tubong Sta. Ana, Pampanga, pangalawa sa anim na magkakapatid. Ang kanilang ama ay isang magsasaka at tindera naman ng isda ang kanilang ina. Bata pa lang si Maribeth ay kasa-kasama na siya ng ina sa pagtitinda sa palengke kaya siya nahilig sa pagnenegosyo. 

“Kahit anong itinda mo sa palengke, hindi ka magugutom. Kailangan lang ng sipag at tiyaga sa buhay.”

High school lang ang natapos ni Maribeth at ang kanyang ate dahil sa kahirapan. Nagtrabaho sila sa Maynila para mapag-aral ang kanilang mga nakababatang kapatid. Bagamat may panghihinayang kay Maribeth na tinalikuran ang sariling pangarap ay hindi niya ito pinagsisihan. Dahil nakatapos ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid at maayos ang buhay sa kasalukuyan.

Pagbuo ng Pamilya sa Gitna ng Pagsubok

Sa edad na 21, habang saleslady sa mall si Maribeth ay nakilala niya ang kanyang napangasawa na nagtatrabaho naman sa isang restaurant sa Maynila. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na halos magkakasunod ang mga edad. Hindi naging madali ang simula ng kanilang buhay may-asawa, lalo pa nang mawalan ng trabaho ang kanyang mister. Bumalik sila sa Pampanga at nanirahan sa isang maliit na paupahan. Nag-tricycle driver ang kanyang mister para makaraos ang kanilang pamilya. Bagamat hindi naman nagkulang ang kanyang mga kapatid sa pagtulong sa kanila, ay sadyang gipit talaga ang kanilang buhay. 

“Umaalis ng 4:00 am ang asawa ko para mamasada. Uuwi siya ng 6:00 am ‘pag may pambili na ng almusal namin. Mamasada ulit siya at uuwi siya para magtanghalian kami. Uuwi ulit siya ng 6pm para sa hapunan. Pasada ulit. Hindi siya uuwi sa gabi hangga’t walang pambili ng gatas at diaper para sa anak namin.”  

Nasanay nang walang hawak na pera si Maribeth dahil kapos na kapos sa kanila ang kita ng asawa. Pero ayaw niyang masanay ang mga anak sa isang kahig at isang tukang pamumuhay habambuhay. Kaya patuloy siyang nangarap na makaahon sa hirap. 

“Pinagmamasdan ko ang nga anak ko sa higaan… Hindi pwedeng ganito lang kami. Ayokong maranasan nila ‘yung mga hirap na naranasan naming mag-asawa.”

Ang Simula ng Great Life sa PC

Noong 2011, nakilala ni Maribeth ang Personal Collection sa tulong ng kanilang ninang sa kasal. Bagama’t may pangamba ang kanyang asawa na baka mapabayaan ang mga anak, nagpursige si Maribeth na maging PC dealer. 

“Tatlong beses niya akong niyaya sa PC. Sabi niya, ‘Hoy Bechay, try mo ‘to. Nakikita ko na sobrang sipag mo, kikita ka dito.” 

Kapag hindi ka kumita sa loob ng tatlong buwan, umalis ka.

Pinaunawa niya sa kanyang mister na kailangan niya itong tulungan sa paghahanapbuhay para gumaan-gaan naman ang kanilang pamumuhay. Nangako siyang hindi niya pababayaan ang mga anak kahit nagtatrabaho, kaya napapayag niya ito. Gayunpaman, kinailangan pa ring magtrabaho ulit sa Maynila ng kanyang asawa. 

Hindi sumuko si Maribeth sa anumang balakid sa negosyo at patuloy na nagtiyaga sa pagbebenta at pagre-recruit. Nang mapalaki na niya ang kanyang kita, nagpasya siyang ito na ang tamang landas at pagkakataon para sa kanya, ang Personal Collection. 

Ang Diskarte ng Isang Inang Nais Umasenso

Hindi na binitawan pa ni Maribeth ang magandang oportunidad na dumating sa kanya. 

Wala siyang pinipiling panahon para makabenta ng produkto at maka-recruit ng dealer. 

Palagi siyang may dalang brochure at flyer kahit saan siya magpunta.

“Kahit nakasakay ako sa jeep, kapag nagkatinginan kami ng kapwa ko pasahero at gumanti ng ngiti sa akin, aabutan ko na ng flyer at aaluking maging PC dealer.” 

Matiyagang sinasamahan ni Maribeth sa branch ang kanyang mga recruit at walang kapagurang ginagabayan para maging mabilis ang kanilang promotion. Hindi rin siya nanghihinayang na magbahagi ng kita sa kanyang mga downlines para ma-motivate sila na mag-perform nang maayos. 

Sa ganitong diskarte ni Maribeth bilang isang Great Life Executive, mabilis niyang napalago ang kanyang PC negosyo. Nang nalampasan na niya ang kita ng kanyang asawa, nagawa na niya itong pauwiin ng probinsya. Naging magkatuwang sila sa kanilang business. Si mister ang nagse-service sa mga recruit nila at taga-deliver ng produkto sa malalayong lugar.

Mas naging matatag ang kanilang pagsasama at naging mabilis ang kanilang pag-asenso. 

“Iba talaga kapag husband and wife tandem. Mas madali ang lahat ng bagay.”

Ang Tagumpay ng Isang Inang Katuwang ang Pamilya 

Lumaki man ang kita nina Maribeth, hindi niya binago ang kanilang simpleng pamumuhay. Ipinuhunan niya ito sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Hindi nila sinanay na mag-asawa sa luho ang kanilang mga anak. Tinuruan nilang maging matipid sila at marunong magpahalaga sa biyayang meron sila. Kaya naman, lumaki silang responsable; katuwang din nila ang mga ito sa kanilang PC Business. Nagtapos sila ng college sa private school bilang mga scholar; Forensic Science, Criminilogy, at Business Management. 

“Kung nakapag-aral ako, gusto kong mag-Criminology. Natupad ko iyon sa anak ko.”

Maraming pangarap sa buhay si Maribeth na natupad niya sa mga anak. Sa kasalukuyan ay may sarili na silang bahay at lupa dahil sa PC. Dalawang bahay ang naipatayo nila, nakabili sila ng tatlong lupa at dalawang sasakyan. May maayos na ring trabaho ang kanyang mga anak at nakakatulong na sa kanilang mag-asawa sa mga gastusin. Hindi na sila mangangamba pa kung may pagkain ba silang pagsasaluhan sa lamesa.   

“Kung dati, pandesal lang ang kinakain namin. Ngayon, branded na tinapay na. Nakakain ka rin kami kahit saan gusto ng mga anak ko.”

Ang Dakilang Ina na Inspirasyon ng Marami

Sa edad na 46, hindi lang matagumpay na ina si Maribeth kundi matagumpay ring negosyante at leader sa kanyang mga dealer. Siyam na ang promoted niyang Great Life Executive at katulad niyang gumanda na rin ang buhay. 

“Gusto kong ma-duplicate ‘yung sarili ko sa Team Nacu. Kasi ang tagumpay nila, ay tagumpay ko rin. Pagtanda ko, parang may SSS ako sa kitang matatanggap ko sa PC dahil sa aking mga GLE.”

Palagi niyang ginagamit na halimbawa ang sarili sa kanyang mga recruit, lalo na sa mga nanay na gaya niya, na anumang gusto mo sa buhay ay matutupad ’yan. Patuloy lang na mangarap at magsikap. At huwag na huwag magpapaanod sa tagumpay, dapat laging nakatuntong ang mga paa mo sa lupa gaano man kataas ang iyong marating. 

“Kay PC, basta consistent ka, masipag ka, kikita ka nang malaki. 

‘Yung pagod, lilipas din ‘yan. Pero ang tagumpay, pangmatagalan.”

Ikaw, handa ka na bang simulan ang sarili mong Great Life story? Tara na sa Personal Collection. Life Made Great with PC! Register na! https://register.pcdsi.ph/?campaign_id=1611

SHARE ON:

What are you searching for?

Become a PC Dealer. You can sign up now or try our products first

Get up to 25% discount on all our products!

Find out how you can get this and more!
Join our e-newsletter now!