Tulad ng maraming kabataang Pilipino, pinangarap ni Prescilla “Pres” Aquino na makapagtapos ng nursing, makapasa sa board exam, magsuot ng puting uniporme, mag-alaga ng mga pasyente, at balang araw ay makapagtrabaho sa abroad.
Pero minsan, may ibang plano ang Diyos.
Bago pa man siya makapag-review para sa Nursing Licensure Examination, nabuntis siya. Nauna ang pagiging ina kaysa sa pagiging nurse. Habang dumarami ang responsibilidad, unti-unti ring naisantabi ang pangarap niyang magkaroon ng career sa ospital.
“Sabi ko noon, magre-review na lang ako pagkatapos kong manganak. Pero dumating ang aking mga anak, dumami ang responsibilidad… at hindi na nangyari.”
Factory worker ang kanyang asawa noon at humigit-kumulang ₱500 kada linggo lamang ang naiaabot nito sa pamilya. Imbes na mag-review para sa board exam, inuna ni Pres ang pagpapalaki sa mga anak at ang paghahanap ng paraan para maitawid ang bawat araw.
Ang akala niyang katapusan ng kanyang pangarap ay siya palang simula ng panibagong direksyon ng kanyang buhay.
Bata Pa Lang, Sanay Na Siyang Lumaban
Hindi naging madali ang buhay ni Pres.
Bata pa lamang siya nang iwan sila ng kanilang ama. Napilitang magtrabaho sa Maynila ang kanyang ina kaya naiwan sa kanyan ang pag-aalaga sa dalawa niyang nakababatang kapatid. Maaga siyang natutong magsakripisyo para sa pamilya.
Hindi niya malilimutan ang mga panahong asin lang ang ulam nila, naghahati-hati sila sa isang itlog, at kalahating tuyo lang ang pinagsasaluhan nilang magkakapatid.
“Ayokong maranasan ng mga anak ko ang naranasan ko noong maliit ako. Laki po ako sa hirap. Iniwan kami ng tatay ko. Ako ang tumayong nanay ng mga kapatid ko.”
Doon nagsimula ang pangako niya sa sarili—gagawin niya ang lahat para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang magiging pamilya.
Walang Trabahong Mali Basta Marangal
Para matupad ang pangakong iyon, halos lahat ng marangal na hanapbuhay ay sinubukan ni Pres.
Nagtinda siya ng gulay at prutas sa palengke, fishball, kikiam, at squid ball sa harap ng bahay. Pinasok din niya ang real estate at maging ang pagbebenta ng memorial lots.
Hindi siya namili ng trabaho. Ang mahalaga, may maipakain sa pamilya.
Pero kahit gaano siya kasipag, madalas pa ring kulang ang kinikita. Alam niyang kailangan niya ng oportunidad na kayang magbigay ng mas magandang kinabukasan sa kanilang pamilya.
Isang Simpleng Imbitasyon ang Nagbago ng Lahat
Noong 2010, habang nagtatrabaho bilang real estate agent, ni-recruit siyang maging Personal Collection Dealer ng isa niyang dating kliyente.
Sa totoo lang, pumayag lang siyang magpa-member sa direct selling na ito para mabentahan niya ang kliyente ng bahay at lupa.
“Nag-start po ako sa PC, pang-personal use lang po talaga. Number one kaya ako nagpa-member sa PC ay dahil sa Tuff TBC. Na-try ko po kasi siya at napakaganda talaga.”
Pero habang nakikinig siya sa orientation, may napagtanto siya.
Hindi lang pala de-kalidad na produkto ang iniaalok ng Personal Collection.
May oportunidad din pala itong makapagbigay ng mas magandang kinabukasan.
“Noon ko nakita na may opportunity pala sa Personal Collection.”

Isang Career na Hindi Niya Inasahan
Marami ang naniniwala na kapag nakapagtapos ka ng kolehiyo, sa propesyon mo lang matatagpuan ang tagumpay.
Pero iba ang napatunayan ni Pres.
Bagama’t hindi siya naging practicing nurse, natagpuan niya ang isang career kung saan nagamit niya ang kanyang leadership, communication skills, malasakit sa tao, at kakayahang magbigay-inspirasyon.
Nakinig siya. Nag-training. Natuto.
Isang manager sa Marikina Branch ang nagsabi sa kanya:
“Bakit hindi ka mag-recruit, Ma’am Pres? Magaling ka namang magbenta.
Bayad ka lagi on time.”
Sinunod niya ang payong iyon.
Dahil likas na mahusay makipagkapwa-tao at magbenta, mabilis na lumago ang kanyang negosyo. Trinabaho niya ito nang husto. Kaya naman nagsunod-sunod ang kanyang promotions hanggang sa siya ay maging Great Life Executive.
Para kay Pres, ang Personal Collection ay hindi lamang sideline. Isa itong legit na career na kayang magbigay ng pangmatagalang kabuhayan kahit sa mga college graduates.

Magkasamang Bumuo ng Pangarap
Noong 2011, hinikayat ni Pres ang kanyang asawa na mag-resign na lang sa trabaho para tulungan siyang palaguin ang kanilang PC Business. Magkasama silang nagre-recruit at nagde-deliver ng mga produkto gamit lamang ang kanilang motorsiklo.
“Para kaming Christmas tree sa motor ng asawa ko. Nasa likod ang mga kahon, meron din sa harapan, tapos pati sa dalawang hita ko may mga produkto.”
Bawat byahe nila ay hakbang palapit sa kanilang pangarap.
Noong 2012, habang buntis siya sa ikatlong anak, hindi siya napigilan sa pag-abot ng kayang goal.
“Kaya ko ‘to. Bago ako manganak, magiging Great Life Executive ako.”
Isang araw bago siya manganak, natupad niya ang kanyang pangarap.
Unti-unting gumaan ang kanilang buhay. Nakapagpatapos siya ng anak sa kursong Information Technology sa Technological Institute of the Philippines (TIP), nakapagpagawa ng bahay, nakapagpundar ng sasakyan, at mas naging maginhawa ang kanilang pamumuhay.

Isang Buhay na Nagbibigay-Inspirasyon
Sa paglipas ng mga taon, naunawaan ni Pres na ang tagumpay ay hindi lang tungkol sa sariling pag-asenso. Naging mahalaga sa kanya ang makatulong sa iba.
“Nakapag-create po ako ng mga Great Life Executive na katulad ko. Kasi iyon naman talaga ang purpose natin—i-share din natin ang greatness sa iba.”
Hindi man siya naging nurse na minsan niyang pinangarap, natagpuan naman niya ang isang propesyong nagbibigay sa kanya ng pagkakataong maglingkod, magbigay ng pag-asa, at maging daan para mabago ang buhay ng ibang tao.
Ang Sekreto ng Kanyang Tagumpay
Kapag may nagtatanong sa kanya kung ano ang sikreto ng kanyang tagumpay, simple lang ang kanyang sagot.
“Makinig. Sumunod. At maging seryoso sa ginagawa natin.”
Dagdag pa niya,
“Isipin lang natin kung para saan natin ginagawa ang lahat. Kapag malinaw ang purpose mo, hindi ka bibitaw. Hindi lang ito para sa sarili mo, kundi para sa pamilya mo at sa mga taong matutulungan mo balang araw.”
Para kay Pres, ang diploma ang naging daan upang matuto, ngunit ang Personal Collection ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong bumuo ng isang makabuluhang career at mag-iwan ng legacy sa buhay ng ibang tao.
At sa bawat taong nangangarap na baguhin ang kanilang kinabukasan, iisa ang mensahe niyang nais ibahagi:
“Laban lang… and never ever, never ever give up.”