By Ruel P. Montañez
Sa hirap ng buhay ngayon, maraming Pilipino ang naghahanap ng paraan para magkaroon ng dagdag na kita. Habang patuloy na tumataas ang gastusin sa araw-araw, hindi na sapat para sa marami ang umasa lamang sa isang pinagkukunan ng income. Kaya naman marami ang nagsisimula ng sideline, nagbebenta online, nagre-resell ng produkto, o naghahanap ng iba pang paraan para kumita.
Pero paano kung ang akala mong simpleng sideline ay isa palang negosyong puwedeng lumago bilang pangunahing pagkakakitaan?
Ito ang natuklasan ni Great Life Executive Jasmine Parlocha ng Victorias, Bacolod Branch sa pamamagitan ng Personal Collection.
Bago niya nakilala ang PC, hindi na bago kay Jasmine ang pagsisikap. Bata pa lamang siya ay sanay na siyang dumiskarte para makatulong sa kanilang pamilya. Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo, hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ang mga kanyang mga pangarap.
Naging photographer siya. Nagbenta ng kakanin. Nag-manicure. Nanahi ng damit. At kung anu-ano pang hanapbuhay ang kanyang pinasok.
Kasama ang kanyang asawang si Ronillo, halos walang pahinga ang kanilang buhay noon. Habang siya ang nag-iisip ng iba’t ibang paraan para kumita, ang kanyang asawa naman ay nagtatrabaho sa tubuhan sa ilalim ng matinding init ng araw.
Sa katunayan, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit determinado siyang umasenso.

“Nakikita ko siya na nagtatrabaho sa field, nagtatabas ng tubo. Sabi ko sa sarili ko, ayoko ng ganitong buhay.”
Hindi naging madali ang kanilang pakikipagsapalaran. Dumaan sila sa mga panahong halos wala silang makain. Naranasan nilang mangutang para lang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. At tulad ng maraming magulang, dumating din ang pagkakataong natakot sila para sa kalusugan ng kanilang anak dahil wala silang pambayad nang maospital ang isa sa mga ito.
Ang mga karanasang ito ang lalong nagpalakas sa kanyang determinasyon na baguhin ang takbo ng kanilang buhay.
Noong 2008, dumating sa kanyang buhay ang Personal Collection.
Sa umpisa, hindi niya agad nakita ang buong potensyal nito.
“Noon, hindi ko pa alam kung paano mag-work ang PC. Akala ko joy-joy lang.”

Dahil marami siyang kaibigan at likas siyang palakaibigan, madali para sa kanya ang magbahagi ng oportunidad sa ibang tao. Mabilis niyang napalaki ang kanyang grupo.
Tatlong buwan pa lamang siya sa negosyo nang ma-promote bilang Franchise Associate Manager o ngayon ay Great Life Manager. Laking tuwa niya nang matanggap ang kanyang unang cheque mula sa PC.
Mula sa simpleng sideline, nagsimula niyang makita ang mas malaking oportunidad.
Nakita niya na hindi lang magandang produkto ang meron sa Personal Collection.
May training. May suporta. May mentoring.
May magandang negosyo model na tumutulong sa mga ordinaryong Pilipino na magkaroon ng pagkakataong umasenso.
Habang dumarami ang mga dealers na kanyang natutulungan, patuloy ding lumalaki ang kanyang kita. Kaya mas lalo siyang naging pursigido. Nagtuloy-tuloy ang kanyang pag-angat hanggang sa maging isang ganap na Great Life Executive.
Gayunpaman, hindi niya agad iniwan ang iba niyang pinagkakakitaan. Sanay siyang kumayod. Sanay siyang mapagod. Pero habang tumatanda siya, naramdaman niya ang pagod sa mabibigat na trabaho.
“Marami talaga akong business sa labas. Pero habang tumatanda ako, gusto ko ng trabahong mas magaan at pangmatagalan.”
At doon niya nakita ang sagot sa matagal na niyang dasal: hindi sideline, kundi isang tunay na business opportunity na puwedeng palaguin bilang pangunahing negosyo, ang Personal Collection. Sinimulan niyang mag-focus sa pagpapalago ng kanyang Personal Collection business katuwang ang kanyang asawa.
Dahil sa kanilang sipag at dedikasyon, guminhawa ang kanilang buhay. Nakapagpatayo sila ng bahay. Nakabili ng sasakyan. Nakakatulong sa kanilang mga anak na may sarili nang pamilya. At nakakapag-ipon para sa kinabukasan ng kanilang mga apo.
Nang magkasakit pa ang kanilang apo at umabot sa milyon ang naging gastusin sa ospital, doon nila lalong napatunayan ang halaga ng negosyong kanilang binuo. Ayon kay Jasmine, malaking bahagi ng kanilang kakayahang harapin ang pagsubok na iyon ay dahil sa Personal Collection.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit nananatili siyang committed sa negosyo hanggang ngayon.
Para kay Jasmine, may isang mahalagang aral na natutunan niya sa paglalakbay na ito:
“Hindi sapat na masipag ka lang, kasi mapapagod ka. Dapat may opportunity na katulad nitong Personal Collection. ‘Yung sipag mo, mapapantayan ng kita.”
Ito rin ang dahilan kung bakit marami siyang natulungang dealers sa loob ng maraming taon.
Naniniwala siya na ang tunay na tagumpay ay kapag may mga taong umaangat kasama mo.
Sa Personal Collection, hindi ka nag-iisang nagnenegosyo.
May mga upline na handang gumabay.
May mga branch staff na handang sumuporta.
May mga training na makakatulong sa iyong paglago.
At may komunidad na naniniwala na posible ang Great Life para sa bawat taong may willingness.
Ngayon, kung naghahanap ka ng home-based business opportunity o sariling negosyo sa Pilipinas na puwedeng makatulong sa kinabukasan ng iyong pamilya, maaaring Personal Collection ang hinahanap mo.
Hindi mo kailangan ng malaking pera para magsimula.
Hindi mo kailangang maging eksperto sa negosyo.
Ang kailangan mo lang ay ang willingness na matuto, magsumikap, at samantalahin ang oportunidad na nasa harap mo.
Katulad ni Jasmine, maaaring ang simpleng desisyon na subukan ang negosyong Personal Collection ay maging simula ng mas magandang bukas para sa iyong pamilya. Para sa kanya, iisa lamang ang kanyang paniniwala hanggang ngayon:
“Dito ko nakuha ang Great Life na sinasabi. Nabago talaga ang buhay namin. Si PC na hanggang wakas.”

Mag-register na bilang Personal Collection dealer at tuklasin kung paano ang simpleng sideline ay puwedeng maging isang tunay na business opportunity para sa iyo at sa iyong pamilya.