At 23, karamihan ay naghahanap pa lang ng direksyon sa buhay. Pero para kay Ferdilyn Sanchez Murali, maaga pa lang, naranasan na niya kung gaano kahirap lumaban at kung gaano kahalaga ang hindi pagsuko.
Hindi siya lumaki sa ginhawa, at hindi rin siya nabigyan ng madaling simula. Pero sa kabila ng lahat, pinili niyang lumaban at patunayan na hindi hadlang ang pinanggalingan para maabot ang pangarap.
Ngayon, isa na siyang thriving Personal Collection Great Life Builder, Content Creator Club member, at Beshie Pilar Grand Winner mula sa Santiago, Isabela. Pero bago niya makamit ang lahat ng ito, isa muna siyang simpleng kabataan na buong tapang na lumaban para sa kanyang pamilya at kinabukasan.
Ang Mahirap na Simula
Bunso si Ferdilyn sa limang magkakapatid. Lumaki siya sa isang pamilyang ang bawat pangarap ay kailangang paghirapan.
Bata pa lang siya nang maulila sa ama. Kaya ang kanyang inang si Concepcion ang naging sandigan ng pamilya. Bilang isang OFW, ginawa niya ang lahat para matustusan ang pangangailangan at edukasyon ng kanyang mga anak.
Para kay Ferdilyn, ang mama niya ang kanyang inspirasyon, isang babaeng hindi sumusuko kahit gaano kahirap ang sitwasyon.
Pero dumating ang isang pagsubok na hindi nila inaasahan.
Nasa college noon si Ferdilyn nang magka-breast cancer ang kanyang ina. Napilitan itong umuwi sa Pilipinas para magpagamot, at doon nagsimula ang mas mabigat na responsibilidad para kay Ferdilyn.
“Natakot po ako… worried ako sa condition ng mama ko, at sa future ko rin.”
Sa murang edad, kinailangan niyang maging matapang.

All Out Diskarte Era
Para maipagpatuloy ang pag-aaral at makatulong sa pagpapagamot ng ina, naging working student si Ferdilyn. Sa umaga, estudyante siya ng BSBA Finance. Sa gabi, nagtatrabaho siya sa isang restaurant. Pagkatapos ng shift, uuwi siya para tapusin ang school requirements at alagaan ang kanyang ina.
Pero hindi pa doon natapos ang kanyang diskarte.
Nag-online selling siya ng ukay, nag-aalok ng flowers tuwing Valentine’s, rumaraket sa wet market tuwing holiday season, at sumasali sa beauty pageants para sa premyong pera at scholarship.
Habang ang iba ay nag-e-enjoy tuwing bakasyon, si Ferdilyn ay mas pinipiling magtrabaho.
“Dagdag kita rin po iyon sa amin…”
Para sa kanya, ang diskarte ay hindi lang paghahanap ng pera. Ito ay ang willingness na gawin ang lahat ng kaya para maka-survive at makaangat.
No Excuses, Just Goals
Sa kabila ng pagod at responsibilidad, hindi pinabayaan ni Ferdilyn ang kanyang pag-aaral. Napanatili niya ang pagiging scholar ng “Kaisa Ka sa Edukasyon” program ng Santiago City.
Tinanghal din siya bilang Ms. Northern Colleges dahil sa taglay niyang ganda at talino. Hindi lang ito nagbigay sa kanya ng recognition kundi ng panibagong scholarship na malaking tulong sa kanyang pag-aaral.
Ipinakita niya na para magtagumpay, hindi sapat ang talino o pagkakataon lang, kailangan din ng consistency, commitment, at willingness.

When Life Hits the Hardest
Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, nangyari ang pinakamalungkot…
pumanaw ang kanyang ina.
Biglang nawala ang taong nagbibigay sa kanya ng lakas at dahilan para magpatuloy.
Pero sa halip na mawalan ng pag-asa si Ferdilyn, mas lalo siyang lumaban.
Bitbit ang mga aral ng kanyang ina, ipinagpatuloy niya ang kanyang mga pangarap.
Opportunity Knocked
Habang patuloy siyang lumalaban, isang opportunity ang dumating na posibleng magbigay sa kanya ng malakas na laban sa buhay, ang Personal Collection.
Na-introduce sa kanya ang PC business sa kanilang university. Nagustuhan niya na hindi lang ito tungkol sa pagbebenta ng produkto, kundi isang platform para sa isang full-time na negosyo, personal growth, at financial independence.
Dito nagsimula ang journey ni Ferdilyn bilang isang PC dealer.
“Naging malaking tulong po sa akin ang PC bilang isang estudyante.”
Habang tumatagal, mas nakita pa niya ang halaga nito. Sa PC, hindi lang siya kumikita. Marami siyang natutunan tungkol sa pagnenegosyo at sa buhay. At natutunan din niya na mas maniwala sa sarili niyang kakayahan.

From Dealer to Influencer
Noong 2025, kinoronahan si Ferdilyn bilang Beshie Pilar Grand Winner, isang pagkilala sa kanyang ganda, talino, at higit sa lahat, sa kanyang NENEGU spirit.
2026 naman, nang maging bahagi siya ng Personal Collection Content Creator Club. Mula sa pagiging working student na naghahanap ng paraan para kumita, ngayon ay isa na rin siyang inspirasyon sa maraming kabataan.
Ginagamit niya ang kanyang platform hindi lang para magbenta, kundi para magbahagi ng kwento at magbigay ng pag-asa.
Gen Z, This One’s for You
Ngayon, patuloy na lumalago si Ferdilyn bilang isang full-time PC dealer at content creator, habang papalapit na rin siya sa pagtatapos ng college.
Bagama’t hindi na niya makakasama ang kanyang ina sa milestone na ito, dala niya ang lahat ng aral at pagmamahal nito sa bawat hakbang niya.
Ang kanyang kwento ay reminder na ang kahirapan at pagsubok ay hindi katapusan, at ang oportunidad ay hindi dapat pinalalagpas.
Para kay Ferdilyn…
“Matutong maging madiskarte sa buhay, ‘pag gusto may paraan, ‘pag ayaw may dahilan.”
Kapag ang diskarte ay sinamahan ng talino, lakas ng loob, sipag, at pananampalataya, siguradong hindi malayo ang tagumpay. ‘Yan ang tinatawag na willingness.
Real Talk for Gen Z
May isang simpleng paalala si Ferdilyn na tumatatak:
“Kapag may challenges sa buhay, huwag nating isipin na hanggang doon na lang tayo. Parang gulong ang buhay, minsan nasa taas, minsan nasa baba. Pero hindi iyon ang huli. NENEGU lang tayo lagi. Never ever, never ever give up!”
Ang buhay ay may ups and downs, pero hindi nito dinidikta ang ating ending. Ang mahalaga ay kung paano ka babangon, lalaban, at magpapatuloy hanggang sa marating mo ang gusto mong happy ending.
More Than a Face Card, More Than a Diskarte Queen
Mula sa pagiging working student na sabay-sabay ang raket hanggang sa pagiging full-time PC dealer, Beshie Pilar Grand Winner, at influencer, si Ferdilyn Sanchez Murali ay patunay na ang tagumpay ay hindi lang para sa may pribilehiyo, kundi para sa may tapang mangarap at lakas ng loob na ipaglaban ito.
Hindi lang siya Diskarte Queen. Isa siyang inspirasyon. At sa tulong ng Personal Collection, mas naging malinaw ang kanyang landas, hindi lang para kumita kundi para mag-grow at mag-lead.
Ang kanyang determinasyon at willingness ay mga katangian ng isang Ka-PC na nagtatagumpay sa buhay!
At tulad ni Ferdilyn, kaya mo ring baguhin ang takbo ng buhay mo.
Be a PC Dealer now, for a Life Made Great! Register for FREE: https://register.pcdsi.ph/?campaign_id=1776